Friday, March 18, 2011

bakit hanggang ngayon
mayroong kabang nadarama

kapag sa bahaging ito
ng mundo ako napapapunta

ito ba ay dahil sa kaba
dahil nagbabaka sakali pa

sa banda rito ay masilayan ka
kahit sandali makadaupang palad ka

o di kaya'y kaba ng pagkalungkot
na kapag nakita'y lalo lang malugmok

sapagkat sadyang ako'y nilimot na
alaala'y sadya nang binura

gayun pa man aking kaibigan
mag-alala'y di kailangan

iyong pagkalinga'y di malimutan
mga alaala'y masarap balikan...

:)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home