Matagal tagal na rin ung huli. ngayon na lang ulet. napraning. praning. aning. moret. ano pa?
masyado na kitang mahal. lahat ng pwedeng ibigay binibigay ko na. ano pa ba ang dapat ko gawin?
distansya. mga kaibigan. mga dating karelasyon. mga dating hapdi at sakit. mga alaala. realidad. mundo ng cyberspace. mga namamagitan sa atin. lahat ng ito. may kaya ba akong baguhin o kontrolin sa mga ito? kaya ko pa bang harapin ang mga ito para sa iyo?
sana sa paggising ko bukas, tapos na ang gulong ito.
pagkatapos ng linggong ito, magising na sana ako.
Gisingin nawa ako ng mga ulap sa himpapawid, ng mga kiliti ng mga buhangin sa dalampasigan, ng tubig-alat ng karagatan.
matupad ko sana ang pangako kong di na muli luluha dahil sa iyo.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home